PNP, hinikayat ang mga tutol sa pagbabakuna na huwag ituloy ang planong kilos-protesta

By Angellic Jordan August 04, 2021 - 06:28 PM

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang grupo ng mga indibiduwal na hindi naniniwala sa COVID-19 vaccination na huwag nang ituloy ang planong kilos-protesta sa buwan ng Agosto.

Ilang netizen kasi ang nagbigay ng impormasyon kay Eleazar ukol sa social media mobilization ng ilang indibiduwal na hindi naniniwala sa nakakahawang sakit at magpoprotesta umano sa vaccination program ng gobyerno.

“While we respect the right of the people to freedom of expression and even the decision of some people to refuse vaccination, encouraging our kababayan to do something that would compromise public health is a different matter,” pahayag nito.

Magdudulot aniya ng kapahamakan sa kalusugan ng publiko ang pagkakasa ng kilos-protesta.

“Hinihikayat natin ang mga kababayan nating ito na huwag nang ituloy ang kanilang plano dahil hindi natin papayagan ito lalo na sa panahon ng ECQ. Your right to hold protest actions ends when the right of the most number of our kababayan to be safe from COVID-19 starts,” diin ng PNP Chief.

Nagbaba ng desisyon ang gobyerno na isailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 mula August 6 hanggang 20.

Bahagi nito ang mas istriktong border control at mas mahabang curfew hours simula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.

“Tinitingnan nating ngayon kung mayroong bang paglabag sa batas ang ganitong gawain para sa aming aksyon pero sana ay huwag na nating paabutin pa sa ganoong sitwasyon,” ani Eleazar.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, GuillermoEleazar, InquirerNews, PNP, ProtestAgainstVaccination, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, GuillermoEleazar, InquirerNews, PNP, ProtestAgainstVaccination, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.