Mga armas na hawak ng LGUs, ipinapa-inventory na ng PNP para sa eleksyon

By Ruel Perez April 27, 2016 - 12:50 PM

marquez janPinapa-inventory na ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ang mga armas na hawak ng mga local government unit.

Ang direktiba ay ginawa ni Marquez upang maiwasan ang nadiskubre niya sa Nueva Ecija noong siya pa ang Provincial Director.

Ayon kay Marquez, sa kainitan ng halalan, kanya-kanyang pag-iisyu ng armas sa kahit kanino sa kainitan ng halalan noon ang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno.

Kailangan aniya na mapigilan ang ganitong klase ng pagmamaniobra na isa sa mga dahilan ng pagkakagulo at karahasan sa panahon ng botohan.

Dahil dito, kasama sa direktiba ni Marquez sa kanyang mga opisyal ang pagrepaso ng maigi ng kani-kanilang contingency security plan at isama ang pag-aaccount ng mga armas na nasa pangangalaga ng mga LGU.

TAGS: armas, Gen Marquez, inventory, LGUs, PNP Dir, armas, Gen Marquez, inventory, LGUs, PNP Dir

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.