3-M Moderna vaccines na donasyon ng Amerika, dumating na sa bansa

By Angellic Jordan August 03, 2021 - 06:22 PM

Screengrab from PCOO Facebook video

Nasa Pilipinas na ang 3,000,060 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng gobyerno ng Estados Unidos.

Dumating ang mga bakuna sa Villamor Air Base sa Pasay City pasado 4:00 ng hapon.

Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng bakuna, kasama ang ilang opisyal mula sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), at Embassy of the United States of America to the Philippines.

Ito na ang ikalawang shipment ng mga bakuna mula sa Amerika sa taong 2021.

Matatandaang noong buwan ng Hulyo, nakatanggap ang Pilipinas ng mahigit tatlong milyong doses ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccines mula rin sa U.S. government.

TAGS: COVIDvaccination, InquirerNews, moderna, Modernavaccine, RadyoInquirerNews, USdonation, COVIDvaccination, InquirerNews, moderna, Modernavaccine, RadyoInquirerNews, USdonation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.