Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan August 03, 2021 - 05:42 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON at Central Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 5:13 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may posibleng kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite at Batangas sa susunod na dalawang oras.

Maaapektuhan din ang Mayantoc, San Jose, Capas at Bamban sa Tarlac; Mabalacat sa Pampanga; Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Abucay sa Bataan; at maging sa Zambales.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: habagat, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, ThunderstormAdvisory, habagat, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, ThunderstormAdvisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.