May 9 elections, idineklarang special non-working holiday ni PNoy
Ideneklara na ng Pangulong Benigno Aquino III ang May 9 bilang special non-working holiday sa buong bansa.
Ito ay para bigyang daan ang publiko na makaboto sa araw ng halalan sa Mayo 9.
Nakapaloob ito sa Proclamation no. 1254 na nilagdaan ni pangulo noong nakaraang Lunes, April 25.
Ibig sabihin, walang pasok ang mga empleyado sa pribado at mga ahensya ng pamahalaan sa nasabing araw.
Base sa batas, ang mga empleyado na papasok sa May 9 ay makakatanggap ng kanilang daily rate times 1.3.
Ang mga mag-oovertime naman ay makakatanggap ng kanilang daily rate times 1.3, plus hourly rate, times excess hours, times 1.69.
Ang mga day-off pero hiniling na pumasok sa May 9 ay makakatanggap naman ng daily rate times 1.5.
Samantalang ang mga naka day-off pero papasok at mag-oovertime pa ay makakatanggap ng daily rate times 1.5, plus hourly rate, times excess hours, times 1.95.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.