Sen. Grace Poe binalaan ang Philhealth sa utang sa mga ospital
Nanawagan muli si Senator Grace Poe sa Philhealth na bilisan ang pagbabayad ng kanilang utang sa mga ospital, maging sa mga health workers ngayon nahaharap ang bansa sa matinding banta ng Delta variant ng COVID-19.
Babala niya hindi na dapat hintayin pa ng Philhealth na magkaroon muli ng imbestigasyon sa Senado.
Pagdidiin niya ang kasalukuyang pandemya ay public health emergency at subsob na sa trabaho ang health care frontliners sa mga ospital.
“We must do our utmost for the health sector and ensure that our medical frontliners and hospitals are paid to enable them to look after the sick and save lives. For as long as this isn’t done, our situation will just drag on. Huwag na nating paabutin pa ng season 10 ang ECQ,” pagdidiin ng senadora.
Binanggit nito ang mga naglabasang ulat na hindi naramdaman ng mga medical frontliners ang inalaan sa kanila sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2 at hindi pa nila natanggap ang kanilang special risk allowance.
Diin niya hindi naman magpupumilit ang mga tao na lumabas para may makain kung may sapat na tulong sa kanilang mga pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.