Protektahan ang mga food producers, health frontliners – Sen. Kiko Pangilinan
Pinayuhan ni Senator Francis Pangilinan ang gobyerno na bigyan prayoridad ang ekonomiya, gayundin ang food producers at health frontliners sa patuloy na pakikidigma sa COVID-19.
“Right now, sira ang delivery systems ng food at health services. Walang kita pangtustos sa pagkain o gamot. Given these, achieving good health for Filipinos seems pretty straightforward: Secure our economy. Secure our food producers. Secure our health workers,” sabi nito.
Diin niya mas naghirap ang mga mahihirap at dumating na ang mga ito sa punto na kailangan nang mamili kung pagkain o gamot ang kanilang gagawing prayoridad para sa patuloy lang na mabuhay.
Naniniwala din si Pangilinan na kapag ligtas ang mga food producers ay bababa ang halaga ng pagkain.
Binanggit niya ang ang iniakda niyang Sagip Saka Act of 2019 ang makakatulong sa mga magsasaka at magiging daan para bumaba ang presyo ng mga produktong-agrikultural.
Kailangan din aniya na solusyonan na agad ang mga isyu sa kalusugan, tulad nang pagmodernisa at pagpapalaki ng mga pasilidad at suporta at kompensasyon sa mga frontline health workers.
“Much like securing food means securing farmers, securing health also means securing front-liners,” diin ni Pangilinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.