Halaga ng imprastraktura na napinsala bunsod ng Habagat, umabot sa P1.17-B

By Angellic Jordan August 02, 2021 - 08:22 PM

Umabot na sa P1.17 bilyon ang halaga ng mga napinsalang kalsada at flood-control structures dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa datos hanggang 6:00, Lunes ng umaga (August 2), iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance na sa Central Luzon pa lamang, nasa P699.16 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa public infrastructure. Sa nasabing halaga, P349.96 milyon ang nasirang kalsada habang P301.20 milyon naman sa flood-control.

Pangalawa naman ang Region 4-A o CALABARZON sa may pinakamataas na infrastructure damage kung saan umabot sa P224.2 milyon; P222.62 milyon sa mga kalsada at P1.60 milyon sa flood-control structures

P113.51 milyong halaga naman ang napinsalang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), sumunod ang Region 4-B na P65 milyong pinsala, National Capital Region na may P39.66 milyong sira sa kalsada at P31.05 milyon naman sa Region 1.

Naayos naman ng DPWH Quick Response Teams ang 32 national roads sa Luzon ngunit anim ang nananatiling sarado; apat sa CAR at dalawa sa Region 3 dahil sa soil collapse at pagbaha.

TAGS: Build Build Build program, DPWH, habagat, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Build Build Build program, DPWH, habagat, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.