Mga bakunadong pasahero ng MRT-3, LRT-2, PNR libre ang pamasahe mula Aug. 3 hanggang 20

By Angellic Jordan August 02, 2021 - 05:35 PM

Photo grab from Sec. Art Tugade’s Facebook video

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagpapatupad ng libreng pamasahero sa mga bakunadong pasahero ng MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa ibinahaging video ng kalihim sa Facebook, sinabi nito na epektibo ang bagong kautusan simula sa araw ng Martes, August 3, hanggang sa Biyernes, August 20, 2021.

“Mas mahalaga sa amin sa DOTr ang kalusugan ng ating mga kababayan kaysa kita. Kaya naman simula bukas, libre na ang pamasahe ng mga bakunadong APOR, kahit nakaka-isa o dalawang dose na ang mga ito,” paliwanag ni Tugade.

Upang makapag-avail ng libreng pamasahe, kailangan lang na ipakita ng mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang kanilang vaccination cards bilang patunay na nakatanggap na sila ng bakuna.

Samantala, magbibigay naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa bakunadong pasahero na naghihintay ng biyahe sa mga pantalan at paliparan.

Pagdating naman sa road sector, napapayag ni Tugade ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na i-waive ang terminal fee na sinisingil sa mga bus simula sa araw ng Lunes, August 2.

“Ang inisyatibong ito ay napagkasunduan ng buong Kagawaran ng Transportasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna,” saad ng kalihim.

Narito ang buong pahayag ni Tugade:

TAGS: ArtTugade, COVIDvaccination, InquirerNews, LRTFreeRide, MRTFreeRide, PNRFreeRide, RadyoInquirerNews, ArtTugade, COVIDvaccination, InquirerNews, LRTFreeRide, MRTFreeRide, PNRFreeRide, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.