Local producers ng mga karne ng baboy at manok umaangal sa DA

By Jan Escosio August 02, 2021 - 03:53 PM

Pakiramdam ng mga local hog at poultry raisers na mas pinapaboran ng Department of Agriculture (DA) ang frozen meat importers sa halip na isulong ang lokal na industriya.

 

Kasunod ito nang paglulunsad pa ng DA katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa “Presyong Risonable Dapat (PRD): Frozen Meat Edition.”

 

Katuwiran ni Agriculture Sec. William Dar layon ng programa na magkaroon ng mapapagpilian ang mga konsyumer na mas mababang presyo ng mga karne ng baboy.

 

Ngunit una nang inihayag ng United Broilers and Raisers Asso. (UBRA), sapat ang suplay ng karne ng manok ngunit patuloy na pinapayagan ng DA ang pag-angkat ng imported frozen meat.

 

Daing nila masyado na silang nadedehado at marami na rin ang nawawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy na pagpapasok ng kagawaran ng mga imported na karne sa Pilipinas.

 

Sinabi ni Jose Elias Inciong, pangulo ng UBRA, wala silang natatanggap na anumang tulong mula sa DA.

 

Aniya may subsidiya ng gobyerno ang mga karne na nagmumula sa Amerika, Europa at Canada, kayat mas mura ang mga ito, samantalang sila ay pinapabayaan na lang.

 

“Napipinsala po kami, baboy man yan o manok kapag tinutulungan ang importasyon ng baboy, apektado lahat ‘yan,” diin pa nito.

 

Pinuna din nila ang sinabi ni Dar sa naturang programa sa Marikina City na ito ay natuon lang sa frozen meat at maari itong idiretso na sa mga pamilihan para direkta sa mga konsyumer.

 

Samantalang, ang mga lokal na prodyuser ayon pa rin kay Dar ay kinakailangan na dumaan sa proseso para sa ‘equilibirum’ na hindi niya ipinaliwanag ngunit pakiramdam ng mga lokal na negosyante ay pandedehado muli sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.