Vaccine card dapat magamit sa domestic at foreign travel – Poe
Hiniling ni Senator Grace Poe na palawigin pa ang gamit ng vaccine card para magamit ito sa pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.
Naniniwala si Poe na malaking tulong ito sa OFWs para sila ay makabiyahe at makapagtrabaho sa ibang bansa.
“Now that we are once again about to enter a two-week hard lockdown, we need to have a recovery plan for the economy to keep businesses from closing and more people from losing jobs in the pandemic,” diin niya.
Una nang inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2321 na ang layon ay mapalawak pa ang silbi o maaring paggamitan ng vaccine card gaya ng pagbiyahe alinsunod na rin sa regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Base sa umiiral na regulasyon ng IATF, kinakailangan na may vaccine card ang nais makapag-trabaho sa ibang bansa bukod pa sa sertipikasyon mula sa Department of Information and Communications Technology o Local Health Office ng lungsod o bayan kung saan nabakunahan ang indibiduwal.
“Our OFWs have kept our economy afloat in the pandemic, and yet we are making it harder for them to make a living by requiring two different documents that serve the same purpose,” sabi pa ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.