Pagtalakay ng Kamara sa 2022 budget, hindi apektado ng medical leave ni Sec. Avisado

By Erwin Aguilon August 02, 2021 - 02:49 PM

Kumpiyansa si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na hindi maaapektuhan ng “medical leave” ni Budget Sec. Wendel Avisado ang preparasyon at pagtalakay sa Kamara ng panukalang 2022 General Appropriations Act.

Ayon kay Yap, mayroong officer-in-charge na itinalaga habang naka-leave si Avisado sa Department of Budget and Management sa katauhan ni Usec. Tina Canda, na matagal na rin sa DBM.

Giit ni Yap, may kakayahan ito na hawakan ang trabaho ng kagawaran at humarap sa mga pagdinig hinggil sa panukalang pambansang pondo.

Bukod dito, “one call away” lamang naman si Avisado kaya walang magiging problema.

Inihayag ito ni Yap kasunod ng anunsyo ng Malakanyang na si Avisado ay naka-leave simula August 2 hanggang 13, upang magpahinga matapos na tamaan ng COVID-19 kamakailan.

TAGS: 18thCongress, 2022budget, DBM, EricYap, InquirerNews, RadyoInquirerNews, WendelAvisado, 18thCongress, 2022budget, DBM, EricYap, InquirerNews, RadyoInquirerNews, WendelAvisado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.