Extension ng voter’s registration inihirit na palawigin ni Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio August 02, 2021 - 12:19 PM

Nanghihinayang si Senator Risa Hontiveros sa dalawang linggo na pagkakatigil ng voter’s registration dahil sa pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Kayat nanawagan si Hontiveros sa Comelec na palawigin ang pagpaparehistro ng mga bagong botante ng 15 araw sa mga lugar na sasailalim ang ECQ.

 

“Sayang ‘yung period from August 6 to 20. Especially for some of our first time voters, yung iba sa kanila are not even eligible for vaccination. It is only logical to extend the voter registration period by at least two more weeks. It’s two more weeks that may prove critical for our country’s future,” sabi pa nito.

 

Dagdag pa ni Hontiveros na dapat ay maikunsidera na ‘extraordinary circumstances’ ang epekto ng pandemya sabay giit na ilang beses nang naantala ang voter’s registration dahil sa pangamba dala ng COVID 19.

 

“I agree that deadlines should be observed. But, hopefully, in this case, COMELEC can make one last necessary extension. Huwag naman sanang i-quarantine pati ang karapatan ng mga tao na bumoto,” pagdidiin ng senadora.

 

Una nang inamin ni Comelec spokesman James Jimenez na may epekto sa voter’s registration ang pag-iral muli ng ECQ.

Magtatapos ang voter’s registration sa Setyembre 30 at wala pang pahayag ang Comelec kung ito ay palalawigin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.