1 Chinese national patay sa PDEA operation; P1.4B halaga ng shabu nakumpiska
Nagkasa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City, Valenzuela City at Bulacan, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng higit P1.4 bilyong halaga ng shabu,
Naniniwala si PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na may kaugnayan ang operasyon ng mga naarestong Chinese citizens.
Sa operasyon sa Barangay Santol sa Balagtas, Bulacan ay napatay si Wu Zishen at narekober ang 75 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P510 milyon.
Nakatakas naman ang isang pang Chinese national na nakilalang si Chen Hongli.
Sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City, 127 kilo ng shabu na may halagang P863.6 milyon ang narekober mula kina Willue Lu Tan, Anton Wong at Chen Zhin.
Aabot naman sa 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon ang nabawi kay Joseph Dy sa operasyon sa Barangay Paso de Blas sa Valenzuela City.
Sasampahan ng kasong drug trafficking ang mga naarestong suspected drug personalities alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.