PCG, rumesponde sa barkong nakaranas ng engine trouble sa Southern Leyte
Naging mabilis ang pagresponde ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Southern Leyte sa nangyaring maritime incident sa Southern Leyte.
Nagkaroon kasi ng problema sa makina ng MV DANICA MARTINA sa karagatang sakop ng Macrohon dakong 12:08 ng tanghali, July 24.
Mayroong 13 crew members na sakay ang naturang barko.
Ayon sa chief mate, sumadsad ang barko sa baybayin ng Macrohon.
Agad namang nagpadala ang PCG ng quick response team (QRT) upang makapagbigay ng mga kinakailangang tulong sa naturang barko.
Ipinagbigay-alam din ang naturang insidente sa PCG Marine Environmental Protection Group sa Southern Leyte para sa pagtatalaga ng grupo na mag-iinspeksyon sa posibleng oil spill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.