AFP: Apat pang nasawi sa C-130 crash sa Sulu nakilala na

By Jan Escosio July 30, 2021 - 07:26 PM

Apat pa sa mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 military transport plane sa Patikul, Sulu ang nakilala.

Ito ang sinabi ni Capt. Jonathan Zata, ang AFP Public Affairs Office chief at ang apat ay sina Sgt. Jelson Sadjail, Cpl. Alhamin Salahuddin at Pfc. Alzin Hawrani at Nazer Albaracin.

Ang apat ay pawang tauhan ng Philippine Army.

Ayon kay Zeta nakipag-uganayan na ang AFP, sa pamamagitan ng Western Mindanao Command, sa mga kaanak ng apat na sundalo  para sila ay maiuwi at mabigyan ng maayos na libing.

Ngayon, 33 na sa mga nasawi sa trahedya ang nakilala at may 17 pa ang kinikilala .

Samantala, hindi pa rin nababatid ang dahilan ng pagbagsak ng military transport plane sa taniman ng niyog sa Barangay Bangkal noong tanghali ng Hulyo 4.

May sakay na 96 sundalo ang eroplano at 50 sa kanila ang agad namatay, kabilang ang tatlong sibilyan.

Marami sa mga nasawi ay sasabak sana sa kanilang unang misyon, ang pagtugis sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.