Sen. Frank Drllon: Sablay si Sec. Harry Roque sa isyu ng pagbuwis sa mga pabuya ni Hidilyn Diaz.
Mali ang pagkakaintindi sa batas o may malisya ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na kailangan pa ng batas para hindi patawan ng buwis ang mga pabuya kay Filipina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon at paliwanag nito nakasaad na sa Republic Act 10699 na ang lahat ng mga premyo at pabuya na ibinibigay sa mga pambansang atleta ay exempted sa income tax.
Aniya nilinaw na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na libre na sa buwis ang P10 million cash incentive na matatanggap ng gobyerno base na rin sa nabanggit na batas, na naipasa noong administrasyong-Noynoy Aquino.
“The BIR has already spoken contradicting Roque’s misplaced interpretation of RA 10699,” sabi ni Drilon.
Umaasa din ang senador na ang pagkakakuha ng gintong medalya ni Diaz sa 2020 Tokyo Olympics ay magiging daan para dagdagan pa ang ibinibigay ng mga insentibo sa mga pambansang atleta, tulad ng kanilang allowances.
Dapat aniya, base na rin sa RA 10699, ay pangalagaan ng gobyerno ang mga national athletes at coaches dahil kinakatawan ng mga ito ang bansa sa pandaigdigang palakasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.