Pagbabalik ng VFA sa pagitan ng Pilipinas at US, welcome development – Biazon

July 30, 2021 - 02:43 PM

AFP photo

Welcome kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) kasunod nang pagbisita ni U.S. Secretary of Defense Lloyd Austin sa Pilipinas.

Naniniwala ang vice chairman ng House committee on National Defense and Security na naiparating ni Austin ang commitment ng Biden administration na suportahan ang bansa sa mutual interest and benefit partikular sa mga isyung pangseguridad kaya nagbago ng isip ang Presidente sa defense agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kumpiyansa naman ang kongresista na malaking bagay sa defense at security interests ng bansa ang patuloy na kooperasyon sa matagal nang kaalyado.

Nakita naman aniya ito sa pagtiyak ng freedom of navigation at pagpigil na kontrolin ng iisang bansa lang ang South China Sea.

Ayon pa kay Biazon, mangangahulugan rin ito ng patuloy na pagpapalakas ng anti-terrorism drive ng Pilipinas lalo na sa Mindanao sa pamamagitan ng operational at technical assistance gayundin ng intelligence sharing.

Gayundin, magpapalakas aniya sa kakayahan at kahandaan ng AFP ang pagpapatuloy ng joint military exercises.

TAGS: 18thCongress, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RuffyBiazon, VFA, 18thCongress, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RuffyBiazon, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.