Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 197.38 milyon
Pumalo na sa 197.38 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 197,383,548 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 35,584,272 cases.
Sumunod na rito ang India na may 31,572,344 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 19,839,369 naman ang kaso sa Brazil habang 6,218,502 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,079,239
– United Kingdom – 5,801,561
– Turkey – 5,682,630
– Argentina – 4,905,925
– Colombia – 4,766,829
– Spain – 4,422,291
– Italy – 4,336,906
– Iran – 3,826,447
– Germany – 3,772,307
– Indonesia – 3,331,206
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,214,912 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 178,536,038 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.