Palasyo, ipinaubaya sa mga mambabatas ang pagbalangkas ng batas para hindi mabawasan ng buwis ang mga pabuya kay Diaz
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa mga mambabatas na bumalangkas ng batas para hindi na mabawasan ng buwis ang pabuyang natatanggap ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ng batas para magkaroon ng tax exemption ang isang indibidwal gaya ng kaso ni Diaz.
Sinabi pa ni Roque na lahat ng Filipino ay walang may gusto na buwisan ang pabuyang matatanggap ni Diaz.
“Well, alam ninyo po, walang Pilipino na gustong buwisan ang mga pabuya na matatanggap ni Hidilyn pero alam ko rin po bilang abogado para magkaroon ng tax exemption, kinakailangan po ng batas. So, baka kinakailangan ng mga senador at mga kongresista ang gumawa ng ganiyang batas,” pahayag ni Roque.
Una rito, humihirit sina Senator Franklin Drilon at Albya Congressman Joey Salceda nagawing exempted na sa buwis ang pabuya ni Diaz.
Sa ilalim ng Republic Act 10699, makatatanggap ng P10 milyong pabuya ang bawat atletang makapag uuwi ng ginto sa Olympic.
Bukod dito, bibigyan din si Diaz ng tig-P10 milyong pabuya ng mga negosyanteng sina Ramon Ang at Manny Pangilinan.
Nagbigay din si Pangulong Duterte ng P3 milyong pabuya kay Diaz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.