Dalawa arestado ng NBI dahil sa kaso ng Child Pornography

By Erwin Aguilon April 26, 2016 - 06:08 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang suspek sa Human Trafficking at Child Pornography sa isinagawang operasyon sa General Trias, Cavite.

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez nakatanggap sila ng tip mula sa kanilang Norwegian counterpart na may mga kasabwat na pinoy ang isang Norwegian National sa kaso ng Child Pornography.

Sa Bisa ng Search warrant na inisyu ni Judge Jaime Santiago ng Tagaytay RTC Branch 18 sinalakay ng mga ito ang pinagtataguan ng mga suspek na sina Carolina Muzar at Marvin Lorenzo.

Inabutan pa ng NBI International Operations Division at ng NBI-Human Trafficking Division at Cybercrime Division ang mga desktop computer  system na naglalaman ng mga child pornographic materials at mga chat session sa mga dayuhan.

Limang menor de edad na biktima ang nailigtas mula sa mga suspek kabilang dito ang isang 9-Anyos na batang babae na kumpirmadong isa sa mga batang nasa pornographic videos.

Dinala na muna sa kustodiya ng DSWD ang mga bata.

Nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Anti-Child Pornography act, Anti-trafficking in persons act, Child abuse ang mga suspek na nasa kustodiya na ng NBI.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.