DFA, mariing kinondena ang pagpugot ng ASG sa isang Canadian national sa Sulu

By Erwin Aguilon April 26, 2016 - 05:59 PM

SAMAL KidnappingNagpahayag ng mahigpit na pagkundena ang Department of Foreign Affairs sa pagpugot sa ulo ng isang Canadian National sa Sulu ng mga teroristang Abu Sayaff.

Bukod dito, nagpaabot din pakikisimpatya ang DFA sa pamilya ni John Ridsdel.

Sa inilabas na statement ng DFA, sinabi nito na nakikiisa sila sa pamilya ng nasawi gayundin sa mga mamamayan at pamahalaan ng Canada sa pagluluksa dahil sa karahasan.

Sinabi ng DFA na hindi makatao ang ginawa ng mga terorista sa biktima at iginiit ang kanilang mahigpit na pagtutol sa terorismo.

Sinusuportahan din anila ng DFA ang mga awtoridad na ginagawa na ang lahat para mailigtas ang iba pang bihag at mapanagot ang mga nasa likod nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.