Manila LGU, naghahanda na sa posibleng pagpapatupad muli ng lockdown

By Chona Yu July 28, 2021 - 04:11 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Todo paghahanda na ang ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa posibilidad na magpatupad muli ng lockdown dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, Inatasan na niya ang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at Manila Police Department na maging alerto at ihanda ang puwersa sakaling ipatupad ang granular lockdown.

Nabatid na nagpatawag si Mayor Isko ng emergency meeting, Miyerkules ng hapon (July 28), kasama sina Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba lang local government health officials.

Nakipag-ugnayan na rin si Mayor Isko sa mga director ng anim na district hospitals, Manila COVID-19 Field Hospital at Manila Health Department para paghandaan ang panibagong surge ng COVID-19 cases.

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit ‘yun,” pahayag ni Mayor Isko.

“Kaya ngayon na may Delta variant, it’s a good thing that we have a facility that can serve the public. Welcome po ang lahat dito,” dagdag ng Mayor.

Sa ngayon, nasa 642 ang active cases sa Maynila.

“The City of Manila has actually been preparing for the worst case scenario over the past few months. Kahit nung hindi pa nagka-surge, we have kept on adding to our quarantine facilities and other resources in response to the pandemic. Hindi talaga dapat maging kampante,” pahayag ni Mayor Isko.

TAGS: COVID-19lockdown, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, COVID-19lockdown, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.