30 porsyento ng mga preso sa bansa, nabakunahan na vs COVID-19
By Chona Yu July 27, 2021 - 05:12 PM
Aabot sa mahigit 30 porsyento sa 117,000 na bilanggo sa buong bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ito ang sinabi ni Bureau of jail Management and Penology deputy Director Ruel Rivera.
Ayon kay Rivera, sa 117,000 na bilanggo, 3,828 ang tinamaan ng COVID-19.
Nasa 3,619 ang nakarekober.
Sa ngayon, nasa 106 na lamang ang aktibong kaso.
Ayon kay Rivera, sa 18,809 na personnel ng BJMP, 12,470 na ang nakatanggap ng first dose habang 9,700 naman ang nakatanggap na ng second dose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.