DOH, naglabas ng abiso ukol sa mga pagtitipon sa SONA

By Angellic Jordan July 26, 2021 - 01:08 PM

Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga ikinakasang pagtitipon para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kagawaran, hangga’t maaari ay huwag nang pisikal na dumalo at makiisa lamang sa pamamagitan ng social media at iba pang online platform.

Sinabi ng DOH na kinikilala nila ang karapatan ng paghahayag ng sarili ngunit giit nito, kailangang tutukan ang kaligtasan laban sa COVID-19.

Ipinaalala rin ng DOH na kung lalabas, tiyaking palaging suot nang tama ang face mask at face shield, at ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pag-sanitize ng mga gamit na madalas hawakan ng tao.

Siguraduhin din anilang may isang metrong laro ang bawat tao sa pagtitipon at tiyaking maayos ang daloy ng hangin sa lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.

Kung mayroong nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit, pinayuhan ng DOH na huwag nang dumalo.

Ilan sa mga kailangang bantayang sintomas ng mga dadalo sa pagtitipon ay pagkakaroon ng lagnat o pananakit ng ulo, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng mata, pagdudumi, at pamamantal sa balat.

Sakaling makaranas nito, agad sumailalim sa quarantine at makipag-ugnayan sa BHERT o One COVID Referral Center.

TAGS: doh, DuterteSONA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SONA2021, SONArally, State of the Nation Address, doh, DuterteSONA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SONA2021, SONArally, State of the Nation Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.