Halos kalahati ng pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap

By Jan Escosio July 26, 2021 - 07:07 AM

Ikinukunsidera ng halos kalahati ng pamilyang Filipino na sila ay mahirap, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.

Isinagawa ang self-poverty rated survey noong Hunyo 23 hanggang 26 at 48 porsiyento ng mga pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap.

Samantala, 23 ang nagsabing hindi sila mahirap at 29 porsiyento ang sinabing ‘sakto’ lang ang kanilang pamumuhay.

Ang bilang ng mga nagsabing sila ay mahirap ay halos hindi nagbago base sa naitalang 49 porsiyento noong nakaraang Mayo.

Sa Visayas naitala ang pinakamataas na pagdami ng mga nagsabi sila ay mahirap, mula 56 porsiyento noong Mayo ay umangat ito sa 70 porsiyento noong nakaraang buwan.

Base pa rin sa naturang survey, pitong porsiyento at higit apat na porsiyento ang bagong nagsabi na sila ay naghirap makalipas ang apat at limang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.