Delta variant cases nadagdagan ng 55; total COVID 19 cases sa bansa pumalo sa 1,548,755

By Jan Escosio July 25, 2021 - 11:46 PM

Lumubo na sa 119 ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID 19 Delta variant sa bansa matapos makumpirma ang karagdagang 55 pang kaso.

Kasabay nito, karagdagang 5,479 COVID 19 infections naman ang naitala ng DOH ngayon araw para sa kabuuang kaso na 1,548,755.

May gumaling na 5,573, samantalang may 93 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa sakit.

Ang kasalukuyang 54,262 active cases ay 3.5 porsiyento ng naitalang kabuuang bilang.

Kaugnay naman sa mga bagong tinamaan ng Delta variant, 37 ang local cases at ang 17 naman ay mga Filipino na kababalik lang ng bansa.

May isa na inaalam pa ng DOH kung maihahanay sa local cases o nagmula sa ibang bansa.

Sa mga bagong Delta variant cases, 14 at sa Calabarzon at walo sa Mindanao.

May anim na ang address ay sa Metro Manila, anim din sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa naman sa Ilocos Region.

Isa din sa mga ito ay nasawi na kayat apat na ang kumpirmadong nasawi sa bansa dahil sa mas mapanganib na variant ng 2019 coronavirus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.