Wage increase sa Cagayan Valley at Central Luzon, OK na-DOLE

By Jay Dones April 26, 2016 - 04:17 AM

 

dole-logoSinang-ayunan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang  pagbibigay ng umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Central Luzon at Cagayan Valley region.

Ayon sa kay Labor Secretary Rosalinsa Baldoz, tatanggap ng karagdagang P45.00 na dagdag sa minimum wage ang mga manggagawa sa limang probinsya sa Cagayan Valley matapos aprubahan ito ng Regional Tripartite and Wages Productivity Board.

Samantala, ibibigay na sa May 1 ang karagdagang P7.00 na dagdag sa sweldo ng mga maggagawa sa Central Luzon.

Ito ay bukod pa sa naunang P8.00 na naibigay na simula sa pagpasok ng taong 2016.

Dahilsa mga bagong kautusan, magiging P264 hanggang P300 na ang minimum wage sa Cagayan Valley samantalang sa Central Luzon ay magiging P238 hanggang P357 ang arawang minimum wage.

Bukod dito, tatanggapin na rin ng mga manggagawa sa lalawigan ng Aurora ang second tranche ng P20 na wage increase epektibo sa May 1.

Umaasa rin ang DOLE na magkakaroon na ng desisyon ang National Capital Region Wage Board sa hiling na P154  wage increase ng Tradu Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa mga manggagawa sa Metro Manila bago sumapit ang katapusan ng Mayo.

Sa may 11, magsasagawa ng public hearing ang NCR Wage Board kaugnay sa naturang petisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.