Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Fabian.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, alas 11:00 kagabi nang lumabas sa bansa ang bagyo.
Nanatili pa sa typhoon category ang Bagyong fabian at taglay ang hangin na 140 kilometers per hour at pagbugso na 170 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa 15 kilometers northward direction.
Ibiniba na rin ng Pagasa ang lahat ng tropical wind cyclone wind signals.
Bagamat nakalabas na ng bansa ang bagyo, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila, at Western Visayas sa susunod na 24 oras dahil sa southwest monsoon o habagat.
Samantala, isa pang bagyo ang minomonitor ng Pagasa sa labas ng Philippine Boundary.
Mayroon itong international name na Nepartak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.