NCR, apat na probinsya balik GCQ; 5 taong gulang na bata bawal lumabas ng bahay

By Chona Yu July 23, 2021 - 11:07 AM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang National Capital Region at apat pang probinsya.

Naghigpit ang pamahalaan dahil na rin sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipatutupad ang bagong kautusan simula ngayong araw, July 23 hanggang July 31, 2021.

Mula sa Modified General Community Quarantine, ilalagay na rin sa GCQ with heightened restrictions ang Ilocos Sur at Ilocos Norte, Davao de Oro at Davao del Norte.

Dahil nasa GCQ with heightened restrictions ang mga nabanggit na lugar, bawal lumabas ng bahay ang mga bata na nag-eedad limang taong gulang pataas.

Samantala, lahat ng incoming international travelers ay kinakailangan na sumunod sa quarantine protocols na inaprubahan ng IATF.

Inaatasan ang Bureau of Quarantine na mag-identify ng mga close contact ng mga nagpopositibo sa naturang sakit.

“The IATF allowed foreign spouses, parent/s, and/or children of Filipino citizens with valid 9(a) visas to enter the Philippines without the need of an entry exemption document beginning August 1, 2021,” pahayag ni Roque.

TAGS: COVID-19, Delta variant, general community quarantine, National Capital Region, COVID-19, Delta variant, general community quarantine, National Capital Region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.