Walang Filipino ang humingi ng saklolo sa embahada ng Pilipinas para magpa-ospital sa Malaysia.
Ito ay sa kabila ng banta ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, maaring nabigyan na ng libreng ayuda ng Malaysian government ang mga Filipino na tinamaan ng naturang sakit.
Ayon kay Jose, simula nang mag-umpisa ang pandemya sa COVID-19 noong nakaraang taon, umabot na sa 1,135 na Filipino sa Malaysia ang nag-positibo sa COVID-19.
Sa naturang bilang, 13 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.