55 magsasaka sa lalawigan ng Isabela tumanggap ng lupa mula sa DAR

By Chona Yu July 22, 2021 - 12:36 PM

 

Aabot sa 55 magsasaka sa Isabela ang nakatanggap ng lupa.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) Eunomio Jr. P. Israel, aabot sa 46 na ektarya ng government-owned lands (GOLs) ang ibinigay sa 55 farmer-beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ayon kay Israel, kabuuang 67 certificates of land ownership award (CLOAs) ang ibinigay mula sa sakop na lupain ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) sa Sta. Maria, Cauayan City.

“Nakapamahagi kami ng mga pampublikong lupain sa bisa ng Executive Order (EO) No. 75, Series of 2019, kung saan inatasan nito ang DAR na ipamahagi ang mga nakatiwangwang na pampublikong lupain na maaaring masakop ng CARP,” pahayag ni Israel.

Ang EO 75, Series of 2019, ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 upang mapabilis at maseguro ang agarang pagtukoy at segregasyon ng mga hindi pa nauuring mga pampublikong lupain at ng mga GOLs o lupang pag-aari ng pamahalaan na maaring isailalim sa agrarian reform. Ang DAR ang natukoy na pangunahing ahensiya na magbibigay ng pangkalahatang direksyon at koordinasyon sa pagpapatupad ng nasabing executive order.

Ayon kay Israel dahil sa ang mga ipinamigay na lupain ay GOLs, ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na tumanggap ng lupa ay hindi na kailangang magbayad ng amortisasyon.

“Ang kailangan lang nilang gawin ay gawing produktibo ang mga lupain. Ang DAR ay tutulong sa mga ARBs na mapagyaman ang mga lupa at paunlarin ang kanilang mga pamumuhay,” pahayag ng opisyal.

Idinagdag pa ni Israel na ang aktibidad na naganap ay naaayon sa direktiba ni DAR Secretary John Castriciones na pabilisin ang pamamahagi ng lupang agrikultural sa pamumuno ni Cagayan Regional Director Samuel Solomero.

Dumalo rin sa distribution ceremony sina City Mayor Bernard Faustino Dy, Vice-Mayor Leoncio A. Dalin Jr. mga kasapi ng Sangguniang Panglunsod, DAR personnel, mga Barangay opisyal ng Sta. Maria at ang mga ARBs.

 

 

TAGS: ertificates of land ownership award, farm beneficiaries, isabela, ertificates of land ownership award, farm beneficiaries, isabela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.