SP Tito Sotto bumuwelta kay Presidential spokesman Harry Roque sa ‘Endo Bill
Pinaalahanan ni Senate President Vicente Sotto III si Presidential spokesman Harry Roque ukol sa kawalan pa rin ng batas na magtutuldok sa kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa.
Hindi naman direktang tinukoy ni Sotto si Roque sa kanyang tweet na; “Inaccuracy galore! A certain exec is asking Congress to pass Anti-Endo bill! Huh? We did! President vetoed it July 26, 2019! Balakayojan!”
Sa isang pahayag, pinasaringan at tila sinisi ni Roque ang Kongreso sa hindi pagkakapasa ng Security of Tenure Bill o ang ‘Anti-Endo Bill’ kahit sinertipikahan itong ‘urgent’ ni Pangulong Duterte.
Maging si Sen. Joel Villanueva, ang namumuno sa Senate Committee on Labor, ipinagtaka ang pag-‘veto’ ni Pangulong Duterte sa batas matapos itong ipasa sa Senado.
Ayon pa kay Villanueva, nang i-veto ang batas ay agad din nilang inihain muli ang panukalang-batas sa katuwiran na hindi naging malinaw ang dahilan ng Malakanyang sa pagbalewala sa Anti-Endo Bill.
Diin niya hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang katuwiran ng Malakanyang para matalakay nila muli ito sa komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.