Mas mahigpit na COVID-19 restrictions ibinabala ni Pangulong Duterte
(Palace photo)
Dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magpatupad muli ang pamahalaan ng mas mahigpit na mga patakaran para makaiwas sa naturang sakit.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos kumpirmahin ng Department of Health na mayroon ng local cases ng Delta variant sa bansa.
Sa Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na seryosong nakaalarma ang ulat ng DOH at dapat na mabahala ang gobyerno.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na maaring ipatupad ang mas istriktong mga quarantine qualifications at ipagbawal ang mga mass gatherings para maiwasan ang paglaganap ng Delta variant.
Payo ng Pangulo sa Department of the Interior and Local Government na mahigpit na ipatupad ang mga kasalukuyang restrictions.
Sa pinakahuling talaan ng DOH, 35 na Delta variant cases na ang naitala sa Pilipinas kung saan 11 rito ay local cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.