Internet speed sa bansa malaki ang iniangat mula nang mag-umpisa ang Duterte admin
By Chona Yu July 20, 2021 - 06:18 AM
Tumaas muli ang down speed sa bansa sa nagdaang buwan ng Hunyo.
Batay sa Ookla Speedtest Global Index, ang internet average download speed ng Pilipinas para sa fixed broadband speed ay umabot sa 66.55Mbps noong Hunyo 2021.
Tumaas ito ng 741.34 percent kumpara sa 7.91Mbps sa pagsisimula ng Duterte administration noong July 2016.
Habang ang latest mobile speed ay naitala sa 32.84Mbps na kumakatawan sa 341.40 percent na pagtaas mula sa 7.44Mbps lamang noong Jul 2016.
Nagsimula ang Speedtest Global Index ng Ookla noong August 2017. Sa nasabing petsa nasa pang 94 ang Pilipinas mula sa 133 na mga bansa pagdating sa fixed broadband habang pang 100 mula sa 122 na mga bansa pagdating sa mobile internet.
Sa ngayon ang fixed broadband speed sa Pilipinas ay nasa pang-62 na mula sa 181 na mga bansa sa buong mundo. At pang-75 sa 137 na mga bansa pagdating sa mobile internet.
Ayon sa Ookla, ang naitalang 66.55Mbps na fixed broadband average speed sa bansa noong Hunyo ay tatlong puntos na pagtaas sa global ranking kumpara noong Mayo.
Habang ang download speed na 32.85Mbps para sa mobile internet ay dalawang puntos na mataas sa global ranking kumpara noong Mayo.
Sa 50 mga bansa sa Asya, ang internet speed sa Pilipinas ay nasa pang-17 sa fixed broadband at pang-23 sa mobile.
Sa Asia-Pacific naman, nasa pang-14 para sa fixed broadband at pang-13 sa mobile sa 46 na mga bansa.
Habang sa ASEAN, ang ranggo ng Pilipinas ay nasa pang-5 sa fixed at mobile sa 10 mga bansa.
Ang pag-angat ng Pilipinas sa global rankings sa nakalipas na mga buwan ay bunsod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang pagre-release ng permits ng LGU na kailangan para mapabilis ang pagtatayo ng telco infrastructure.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.