DepEd, naglabas ng dagdag na P3.7-B MOOE sa mga paaralan sa bansa

By Angellic Jordan July 19, 2021 - 04:30 PM

DepEd Facebooo photo

Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Sinabi ng kagawaran na layon nitong palakasin ang mga hakbang sa pagresponde sa gitna ng banta ng COVID-19.

“We have to implement enabling fiscal policies to keep supporting our stakeholders in the field. We have to fight for it and we have to be conscious all of the time dahil alam natin na we have that kind of a challenge at hand,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Aabot sa P3.7 bilyong karagdagang pondo na inilaan para sa MOOE na ipamamahagi sa 16 Regional Offices, 213 Division Offices, at 44,851 pampublikong paaralan sa buong bansa.

Gagamitin ang naturang pondo sa pagpapalakas ng new normal set-up at implementasyon ng mga pamantayang pangkalusugan.

“Para po ito sa mga binibili nating supplies para po sa ating teaching and non-teaching personnel na pumapasok ay mayroon ding karagdagang proteksyon. Kahit po wala ang mga bata at hindi sila pumasok sa eskwelahan ay gumagana at nagooperate pa rin po ang ating mga eskwelahan,” saad naman ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla.

Bilang paghahanda sa susunod na academic school year, ilalaan ang MOOE para sa proteksyon ng mga guro at kawani laban sa COVID-19 habang nagseserbisyo.

Makatutulong ito para suportahan ang DepEd Memorandum No. 39, s. 2020, na nagpapahintulot na gamitin ang regular na alokasyon para sa MOOE at mga lokal na pondo sa pagpapatupad ng mga hakbang sa paghahanda at pagtugon sa mga panganib dulot ng COVID-19 na inilabas noong Marso 12, 2020.

“Kahit last year pa po itong mga issuances na ito ay nagbibigay pa rin tayo ng additional funding source for our schools so they can prepare especially for the coming school year 2021-2022,” ani Sevilla.

Sinabi nito na nakapaglabas na ang DepEd ng MOOE sa field units noong unang bahagi ng Hunyo at inaasahang magagamit nang husto ang naturang pondo.

TAGS: deped, DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, LeonorBriones, MOOE, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad, deped, DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, LeonorBriones, MOOE, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.