‘Fabian,’ habagat magpapa-ulan sa Ilocos, Central Luzon, Mimaropa
Sa susunod na 24 oras, posibleng makaranas ng mga pag-ulan ang Ilocos Region at ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan sa Central Luzon, gayundin sa Occidental Mindoro at Palawan sa Mimaropa Region.
Ito ay dahil paiigtingin ng bagyong Fabian ang epekto ng habagat.
Base sa update ng PAGASA, bahagay lumakas ang bagyong Fabian at huling namataan ito sa distansiyang 1,090 silangan hilangang silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot naman sa 105 kilometro kada oras.
Ito ay kumikilos sa direksyon ng hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Inaasahan na lalabas ito ng Philippine area of responsibility bukas ng gabi o umaga ng Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.