Kinumpirma ng Philippine National Police na hiniling nila sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines na pansamantala munang itigil ang kanilang opensiba sa mga lugar bahagi kung saan itinatago ng rebeldeng New People’s Army ang limang dinukot na mga pulis sa Davao City.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, ito’y upang bigyang daan ang pagpapalaya sa mga 5 miyembro ng PNP Davao na dinukot ng mga rebeldeng NPA
Kaugnay nito, Ipinauubaya na umano ng pamunuan ng pambansang pulisya sa local crisis management committee sa Davao City ang gumawa ng paraan para mapalaya ang limang pulis.
Ito’y kasunod na rin sa ipinadalang video ng NPA bilang proof of life sa binihag nilang mga tauhan ng PNP.
Bagamat tinanggap ng mga kaanak at PNP ang ipinadalang proof of life ng NPA, halata umanong nais lamang ng CPP NPA na gamitin ito para sa kanilang propaganda at para mapaganda ang kanilang imahe sa publiko.
Kasunod ng nasabing pagdukot ay pinaalalahanan ng PNP ang kanilang mga tauhan na Mindanao region na maging alerto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.