Pope Francis nakabalik na sa Vatican matapos ang colon operation

By Jan Escosio July 15, 2021 - 10:33 AM

Makalipas ang 11 araw matapos sumailalim sa colon operation, nakabalik na si Pope Francis sa Vatican City.

Nang makalabas mula sa Gemelli University Hospital ay dumaan muna sa Basilica of Santa Maria Maggiore ang Santo Papa para magdasal at magpasalamat sa matagumpay na operasyon.

Kasunod nito, ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni ay tumuloy na sa kanyang bahay sa loob ng Vatican si Pope Francis.

Dagdag pa ni Bruni isinama ni Pope Francis sa kanyang dasal ang lahat ng mga may-sakit, partikular na ang mga nakasabayan niyang pasyente sa ospital.

Noong nakaraang araw ng Linggo, pinangunahan na ni Pope Francis ang pagdarasal ng Angelus mula sa bintana ng kanyang kuwarto.

Unang inanunsiyo ng Vatican na dinala sa ospital ang 84-anyos na Santo Papa dahil sa diverticulitis o pamamaga sa kanyang bitukan.

Wala pang anunsiyo kung magbabalik na rin sa kanyag normal schedule ang Santo Papa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.