Sens. de Lima, Villanueva: Nakakasama ng loob ang pagtatapon ng China ng basura sa WPS
Kapwa pinuna nina Senators Leila de Lima at Joel Villanueva ang napa-ulat na pagtatapon ng basura, kasama na ang dumi ng tao, ng mga Chinese vessels na pumapasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Bunga nito, hinikayat ni de Lima ang DENR, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources gayundin ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) na imbestigahan ang ulat sa katuwiran na direkta itong pambabastos sa Pilipinas at sambayanang Filipino.
“The waste dumping is happening right after the sudden swarm of Chinese militia vessels in the West Philippine Sea this past month. Not only did they intrude in our waters as a show of force, but they also polluted our waters, consequently killing the marine life and the marine ecosystem that sustains them,” diin ni de Lima.
Dagdag pa ng senadora magpapatuloy ang pambabastos ng China kung patuloy din na hindi igigiit ni Pangulong Duterte ang karapatan ng bansa sa WPS.
Samantala, sinabi naman ni Villanueva na sobrang nakakalungkot na ang bansa na itinuturing na basurang papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ay ginagawa din basurahan ang bansa.
“Mahirap po atang suklian ng respeto at kabutihang-loob ang isang kapitbahay na kumakamkam sa bahagi ng lote o pag-aari natin at magtatapon pa ng dumi,” banggit pa ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.