Villar, nagsagawa ng final inspeksyon bago ang inagurasyon ng CLLEX
Nagsagawa ng final inspection si Publoc Works and Highways Secretary Mark Villar sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX), araw ng Miyerkules (July 14).
Ang naturang four-lane expressway project ang magkokonekta sa Tarlac at Nueva Ecija.
“As declared a month ago, we will inaugurate on Thursday, July 15, 2021, the first 18-kilometer section of CLLEX from Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)/Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) connection in Tarlac City up to the intersection of Aliaga-Guimba Road in Aliaga, Nueva Ecija,” pahayag ni Villar.
Kasama ng kalihim sa final safety checking bago buksan ang bagong road network sa publiko sina Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain, at Project Director Benjamin Bautista.
Ang partial opening ng CLLEX hanggang Aliaga ay inqasahang makakapagbigay ng opsyon sa mga motorista upang hindi sumikip ang trapiko.
Ayon kay Undersecretary Sadain, sakop ng CLLEX sections ang tatlong contract packages na bubuksan: 4.10 kilometer Tarlac Section, 6.40 kilometer Rio Chico River Bridge Section kasama ang 1.5-kilometer Rio Chico Viaduct, at Aliaga Section na may up and down ramps sa Guimba-Aliaga Road.
Oras na maging fully operational, inaasahang mapapaigsi ng ₱11.811-billion expressway ang dating 70 minutong biyahe sa pagitan ng Tarlac City at Cabanatuan City sa 20 minutes.
Magsisilbi rin itong important east-west link para sa expressway network ng Central Luzon upang matiyak ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga motorista mula at papunta sa Metro Manila, North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.