Ilang kongresista, bitin sa huling presidential debate

By Isa Avendaño-Umali April 25, 2016 - 11:12 AM

SCREENGRAB FROM ABS-CBN
SCREENGRAB FROM ABS-CBN

Hindi kuntento ang ilang kongresista sa resulta ng ikatlo at huling presidential debate.

Napuna ng ilang kongresista na umiwas na sa batuhan ng putik ang limang presidential candidates sa ikatlo at huling “PiliPinas debate” na ginanap kahapon sa Phinma University of Pangasinan.

Isa anila sa rason, upang hindi na raw maapektuhan pa ang kanilang ratings sa pre-election surveys.

Para kina Leyte Rep. Martin Romualdez, ABAKADA Rep. Jonathan Dela Cruz at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi gaanong naging ‘exciting’ ang debate, at sa halip ay naging maingat ang mga kandidato sa pagsagot sa mga tanong, lalo na ang mga nangunguna sa surveys gaya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

At nang bigyan ng pagkakataon ang presidentiables na gisahin ang kapwa kandidato sa Pares-Pares segment, ‘safe’ o walang tapang ang mga sagutan.

Sinabi naman ni Kabataan Party List Rep. Terry Ridon, maaaring sumunod lamang sa rules ng COMELEC ang limang kandidato.

Pero gaya ng sinabi ng mga naunang nabanggit na Mambabatas, sinabi ni Ridon na hindi na kinailangan ni Duterte na magpatutsada sa mga karibal dahil consistent na siya sa pagiging numbero uno sa mga survey.

Kung ang Liberal Party officials naman na sina Caloocan Rep. Edgar Erice at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang tatanungin, si dating DILG Secretary Mar Roxas daw ang nagpamalas ng ‘class’ at kaalaman, at naglatag ng kongkretong detalye ng mga programa habang si Duterte raw ay immature at lumitaw na unpresidential.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.