Shabu nadiskubre sa kotse ng lalaking nangwasak ng mga sasakyan mula QC hanggang Maynila

By Jan Escosio July 14, 2021 - 10:14 AM

Nakakuha ang mga pulis ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia sa loob ng sasakyan ng lalaking nagpahabol sa mga pulis mula Quezon City hanggang Maynila kahapon.

 

Sinabi ni Quezon City Police Dir. Antonio Yarra nadiskubre nila ang hinihinalang droga at aluminum foil strip nang maghalungkat sila sa black BMW ni Arvin Tan.

 

Ayon pa kay Yarra sasailalim sa drug test si Tan para malaman kung siya ay gumagamit ng droga at kung nasa impluwensiya siya ng droga nang maganap ang insidente.

 

Base sa mga ulat, nagsimulang magwala si Tan nang singilin siya sa tinuluyan niyang hotel sa Barangay South Triangle at siya pa ang nanghihingi ng P20,000.

 

Nang dumating ang mga rumespondeng pulis, mabilis itong sumakay ng kotse, binangga ang isang police car at nagpahabol kasabay nang pagbangga pa sa ilang sasakyan.

 

Mahaharap sa mga kasong estafa, resistance, disobedience at multiple damage to property si Tan, bukod sa posibleng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.