Matapos ang “rape joke”, Duterte nanguna sa SWS survey

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2016 - 07:36 AM

DUTERTE-BACOOR CITY/JANUARY 21, 2016 Presidential candidate and Davao City Mayor Rodrigo R. Duterte at the Signing of the Sister City Agreement held in STRIKE Gymnasium, Bacoor City, Cavite.  INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Kahit naging kontrobersyal ang kaniyang “rape comment” sa isang Australian na biktima ng rape sa Davao City, nangunguna pa rin si Mayor Rodrigo Duterte sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang SWS survey ay isinagawa mula April 18 hanggang 20 at mayroong respondents na 1,800 na pawang valid voters.

Sa nasabing survey, nakakuha si Duterte ng 33%, habang si Senator Grace Poe naman ay 24%.

Nasa ikatlong pwesto na si Liberal Party bet Mar Roxas na may 19%, pang-apat si Vice President Jejomar Binay na may 14% at panglima si Senator Miriam Santiago na nakakuha ng 2%.

Kung ikukumpara noong March 30 hanggang April 2 survey, kung saan nakakuha ng 22% si Duterte, tumaas pa ng 6% ang kaniyang puntos na nakuha.

Magugunitang sa latest Pulse Asia survey ay si Duterte rin ang nanguna.

Pero ayon kay UST political science professor Edmund Tayao, posibleng hindi pa gaanong nakaapekto ang rape comment ni Duterte sa bagong SWS survey.

Matapos kasi aniya ang rape comment, marami pang kasunod na naganap gaya na lamang ang komento ni Duterte sa Australia at US na binitiwan niya noon nang April 21 o siang araw matapos ang huling araw ng survey ng SWS.

 

TAGS: latest SWS survey, latest SWS survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.