Matapos ang big time oil price hike, kakarampot na bawas presyo sa gasolina, ipatutupad bukas

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2016 - 06:42 AM

Oil photo genericMatapos ang big time oil price hike noong nakaraang linggo, kakarampot na bawas presyo naman sa gasolina ipatutupad bukas ng mga kumpanya ng langis.

Noong Martes, April 19, nagdagdag ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.10 din sa kada litro ng kerosene at P1.50 sa kada litro ng diesel.

Bukas naman, April 26, may dagdag-bawas sa presyo ng mag produktong petrolyo ang mga kumpanya.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad sila ng bawas na 40 centavos sa kada litro ng gasolina, dagdag na 20 centavos sa kada litro ng kerosene at dagdag na 55 centavos sa kada litro ng diesel.

Matapos ang mahigit pisong dagdag presyo na ipinatupad noong nakaraang linggo ay umabot na sa mahigit P40 ang halaga ng kada litro ng gasolina at halos P25 na ang presyo ng kada litro ng diesel.

 

TAGS: oil price adjustment, oil price adjustment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.