Bilang ng mga Filipino na nais maturukan ng COVID 19 dumami – survey
Mula sa 16 porsiyento noong Pebrero, lumubo sa 43 porsiyento ang bilang ng mga Filipino na nais nang maturukan ng COVID 19 vaccine, base sa resulta ng Pulse Asia survey.
Ang survey, na isinagawa noong Hunyo 7 hanggang 16, ay nagpakita rin na may 36 porsiyento pa ang ayaw mabakunahan at pitong porsiyento na diprensiya.
May 16 porsiyento na pinag-iisipan pa ang pagpababakuna at may limang porsiyento naman ang nabakunahan na kahit 1st dose pa lamang.
Pinakamarami sa mga respondents na nagsabing nais mabakunahan ay sa Metro Manila, 55 porsiyento, samantalang 48 porsiyento naman sa Mindanao.
Nasa 38 porsiyento sa Balanced Luzon, samantalang 39 porsiyento naman sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.