Security mark sa vaccination cards, isinusulong ng Liga ng mga Probinsiya
Hiniling ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na magkaroon ng security mark sa COVID-19 vaccination cards.
Katuwiran ng liga, ito ay kinakailangan para maiwasan na mapeke ang vaccination cards.
Sinabi pa ni LPP National President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. na kinakailangan ding maging ‘uniform’ ang COVID-19 vaccination cards para mabilis ang pagberipika kung ang mga ito ay tunay o peke.
Bukod diyan, iginiit din ni Velasco na dapat ay bigyang laya ang mga lokal na pamahalaan na magdesisyon kung kinakailangan pa ang negative swab test results bago papasukin sa kani-kanilang lungsod o bayan.
“Yun naman po ang posisyon namin. ‘Di naman po namin nilalahat (LGUs) ‘yung ganyang requirement – ‘yung testing bago pumasok. Discretion na po ng local chief executive ‘yan. Maaaring marami na pong nabakunahan na kanilang residente katulad po sa Baguio,” sabi ng opisyal Velasco.
Dagdag pa niya, marami pa ring LGUs na napakaliit ng porsiyento ng kanilang populasyon ang nabakunahan kayat dapat lang ay maging maingat sila sa pagpapasok ng dayo sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.