1.124M AstraZeneca doses na donasyon ng Japan sa Pilipinas dumating

By Jan Escosio July 09, 2021 - 08:13 AM

(Palace photo)

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumalubong sa pagdating kagabi ng 1.124 milyon AstraZeneca COVID-19 vaccines na donasyon ng gobyerno ng Japan.

Alas-8 nang lumapag sa Villamor Air Base ang ANA flight 819 na may dala ng mga bakuna.

Nagpalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) sa DOH para tanggapin ang mga donasyong bakuna.

Bukod sa Pilipinas, nagbigay din ng COVID-19 vaccines ang Japan sa Vietnam, Taiwan, Thailand at Malaysia.

Nangako ang Japan na magbibigay ng $1 bilyon at 30 million doses sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Direkta nang ipinadala ang mga donasyon bakuna para mapabilis ang pagdating ng mga ito sa mga nabigyang bansa.

TAGS: AstraZeneca, Japan, Rodrigo Duterte, AstraZeneca, Japan, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.