Umarangkada na ang ikatlo at huling leg ng PiliPinas Presidential debate 2016.
Gaya ng inaasahan, kumpleto ang limang Presidential candidates na sina: Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senadora Grace Poe, dating DILG Secretary Mar Roxas at Senadora Miriam Defensor Santiago.
Si Binay ay naka-asul, si Duterte ay naka-suot ng brown na polo, habang puti muli ang suot na dress ni Poe. Si Roxas ay naka-dilaw na polo, at si Santiago ay mukhang masigla sa kulay na pula.
Ang Commission on Elections o Comelec ang sponsor ng debate, katuwang ang media partners na ABS-CBN at Manila Bulletin.
Town-hall ang format ng debate, na isinasagawa sa University of Pangasinan, na tatagal ng tatlong oras.
Kabilang sa mga paksa sa debate ay: foreign policy, kalusugan, jobs o trabaho, trapiko, edukasyon at Overseas Filipino Workers o OFWs.
Mala-fiesta rin ang sitwasyon sa bahagi ng venue ng debate, lalo’t kanya-kanyang diskarte at pakulo ang mga supporter ng limang Presidentiables.
Ang Pangasinan ay isa sa mga lalawigan na ‘vote rich’ kaya naman nililigawan ng husto ng mga kandidato sa pagka-Pangulo.
Batay sa datos, pangatlo ang Pangasinan sa mga probinsya na may pinakamaraming registered voters na nasa mahigit 1.7 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.