Global COVID 19 death toll humigit na sa 4M

By Jan Escosio July 08, 2021 - 09:02 AM

Lumagpas na sa higit apat na milyon sa buong mundo ang namatay dahil sa COVID 19, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa pinakahuling datos, 4,017,050 na ang namatay sa sakit sa buong mundo.

Duda pa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus maaring mas mataas pa ang aktuwal na bilang at aniya nagdudulot pa rin ng matinding panganib sa lahat ang COVID 19.

Kasabay nito, kinastigo ni  Ghebreyesus ang mga mayayamang bansa dahil sa pag-iimbak ng bakuna gayung maraming bansa ang nangangailangan nito.

Pinuna din niya na maraming bansa ang nagluwag na at nagbigay impresyon na tapos na ang pandemya.

Maraming bansa sa Asya, lalo na ang Indonesia at Vietnam, ang nakakaranas ngayon ng matinding pagsirit ng COVID 19 cases at marami ang nagpapatupad pa ng lockdown.

Base pa rin sa pinakahuling datos, 185,815,389 na ang kabuuang naitalang COVID 19 cases sa buong mundo at 170,072,038 ang gumaling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.